TANAW MULA SA ITAAS Pagharap sa Mabilis na Takbuhan ng Buhay sa Asya
Karamihan sa kanila ay lalaki, may asawa at humigit-kumulang 45 taong gulang — ngunit maaari silang kasimbata ng 21 taong gulang o kasintanda ng 80. Halos 25% ay babae. Sa karaniwan, mayroon silang 1.49 na anak (kung minsan ay hanggang pito), na bihira nilang makita. Mahigit sa ikatlong bahagi ay may lahing Tsino na may negosyong nakabase sa Singapore, Hong Kong o mainland Tsina, ngunit may mga empleyado at kustomer sa buong mundo.
Halos palagi, naglunsad sila ng kompanya matapos subukan ang ilang iba’t ibang trabaho at industriya, kadalasan sa ibang bansa. Pinaghalong saya at lungkot ang buhay: mas malaki ang mga hamon ng pagpapatakbo ng kompanya kaysa sa kanilang inakala. Gayundin ang mga gantimpala.
Sino sila? Sila ang mga Kinapanayam.













