Mga Business Tip sa Pag-upa ng First Class na Meeting Room

Jan 16, 2015
Mga Business Tip sa Pag-upa ng First Class na Meeting Room

Ang mga freelancer, contractor, startup, at madalas na manlalakbay ay pare-parehong nahaharap sa problema kung saan makikipagkita sa mga kliyente. Ang kaayusan sa lokasyon ng pulong ay maaaring magtakda kung makukuha ninyo ang isang deal, kung magkano ang maaari ninyong singilin sa inyong mga kliyente, at kung gaano kahanga-hanga ang inyong trabaho.

Kung kailangan ninyong umupa ng meeting room sa Asya, mayroon kayong ilang pagpipilian.

  • Makipag-ugnayan sa isang hotel at umupa ng meeting room doon
  • Makipagkita sa isang pampublikong lugar, tulad ng restawran, coffee shop, o plaza
  • Magpareserba ng pribadong meeting room sa isang premium na lokasyon sa isang shared o serviced office space

Pakikipagkita sa mga Kliyente sa mga Meeting Room ng Hotel

Kadalasang may komportableng espasyo para sa pulong ang mga hotel para sa mga grupong may 100 katao o higit pa, kaya kung isang conference o malaking presentasyon ang inihahanda ninyo, maaaring magandang pagpipilian ang hotel. Kapag pumipili ng hotel basta’t ito ay isang magandang hotel sa isang premium na lokasyon. Kung mas maliit na grupo ang inyong kakatagpuin, maaaring hindi ito gaanong kahanga-hanga, lalo na kung karaniwang nagnenegosyo sa lungsod. Maaaring maunawaan ng inyong kliyente ang pakikipagkita sa isang meeting room ng hotel kung taga-ibang lugar kayo at naglalakbay upang makipagkita sa isang kliyente, bagaman ang mga conference room ng hotel ay halata pa ring “inupahan lamang” para sa okasyon.

Pakikipagkita sa mga Kliyente sa mga Restawran, Coffee Shop, at Iba Pang Pampublikong Lugar

Bihirang makakita ng maliit at pribadong espasyo para sa pulong sa mga hotel, kaya maraming tao ang pumipiling makipagkita sa mga kliyente sa mga restawran, coffee shop, at katulad na lugar. Kung iniimbitahan ninyo ang isang kliyente na makipagkita sa isang restawran, dapat kayong maging handa na bayaran ang pagkain ng inyong kliyente. Kailangan din ninyong pumili ng magandang restawran na mababa ang ingay at may maayos na pagitan ang mga mesa. Maaaring pwede na ang pakikipagkita sa isang restawran o iba pang pampublikong lugar sa oras ng gipit, ngunit maraming abala sa paligid at kadalasan ay hindi naisasagawa nang buo ang negosyo, kaya kinakailangan pa ninyong magtakda ng isa pang pulong. Ang serviced office space ay isang mas matalinong solusyon na nagbibigay ng pinakamahusay na presentasyon ng inyong mga negosyo.

Pakikipagkita sa mga Kliyente sa Serviced Office Space

Kung interesado kayong umupa ng mga first class na meeting room, magugustuhan ninyo ang mga serviced office space. Para sa mga indibidwal na seryoso sa tagumpay ng kanilang negosyo, ang mga serviced office ay isang mahusay na paraan upang mapahanga ang mga kliyente sa kaunting gastos. Makakukuha kayo ng on-demand na access sa mga meeting room at isang virtual office (kumpleto sa isang kahanga-hangang business address). Makikipagkita kayo sa mga kliyente at customer sa mga premium na espasyo para sa pulong sa mga prestihiyosong gusali, ngunit babayaran lamang ninyo ang espasyo kapag kailangan ninyo ito. Maaari rin kayong magpareserba ng mga high-tech na conference room at serbisyo ng videoconference kapag kailangan ninyo ang mga ito. Nag-aalok ang CEO Suite ng flexible na mga serviced office solution sa buong Asya, nais man ninyo ng business address at on-demand na espasyo para sa pulong o ng pribadong executive office na magagamit ninyo tuwing nasa lungsod kayo.

Lahat ng mga opsyong ito ay nag-aalok ng mga paraan upang makapagnegosyo nang hindi nagpapanatili ng tradisyonal na office space o pumipirma ng lease o kontrata. Kung nagtatayo kayo ng bagong negosyo, lumalawak sa isang bagong lungsod, o dinadala ang inyong pagkokontrata sa mas mataas na antas, makatutulong ang mga opsyong ito upang mapahanga ninyo ang mga kliyente at makapagtatag ng kredibilidad. Makipag-ugnayan sa CEO SUITE upang malaman ang tungkol sa pag-upa ng mga first class na meeting room at pasilidad para sa conference upang madagdagan ang kredibilidad ng inyong negosyo.