Lumalawak ang CEO SUITE sa Jakarta at Bangkok

Apr 26, 2013

Target ng CEO SUITE na magbukas ng 2 pang handa nang gamiting serviced office sa Jakarta at Bangkok sa huling bahagi ng taong ito, at ito ang magiging nag-iisang kumpanyang Indonesian na nag-o-operate sa 7 bansa na nagbibigay ng mga instant office, pati na ng suportang pang-imprastruktura at pangsekretarya at iba pang serbisyo.

 

sa mga kasalukuyang center sa Jakarta Stock Exchange (ika-17 palapag), at Wisma GKBI (ika-39 na palapag) sa Jakarta, ang antas ng okupansiya ay mula 85 hanggang 95 porsiyento sa karaniwang buwan; at bagaman hindi gaanong malakas ang demand para sa serviced office sa Jakarta, nananatiling kumpiyansa ang President at Founder ng CEO SUITE tungkol sa kanilang bagong pagbubukas sa One Pacific Place sa SCBD Area, Jakarta, sa Setyembre ngayong taon. Katabi ng gusali ang The Ritz Carlton Hotel.

 

Para sa bagong lokasyon sa Jakarta, magbibigay ang business center ng 25 napaka-eksklusibong suite na may kapasidad mula 5 hanggang 10 propesyonal; at magbibigay ng mga instant office na kumpleto sa mga pasilidad at disenyong pang-5-star, at mahusay at propesyonal na pamantayan ng serbisyo.

 

Ang CEO SUITE sa Bangkok ay magbubukas sa Oktubre sa Plaza Athenee, isa sa pinaka-eksklusibong tower sa CBD ng Bangkok.

 

“Ang mga kliyente mula sa mga kumpanya ng langis at gas, telekomunikasyon, at IT ang bumubuo sa karamihan ng aming mga kliyente rito sa CEO SUITE,” sabi ni Mee Kim.

 

Itinatag ng CEO ang una nitong serviced office sa Jakarta noong 1997, at sa loob ng isang dekada, napalawak nito ang network nito sa pitong bansa sa Asya kabilang ang Singapore, Kuala Lumpur, Maynila, Bangkok, Beijing at 2 lokasyon sa Shanghai.