Tama Bang Pilian ang Paglipat sa Virtual Office?

Oct 23, 2015
Tama Bang Pilian ang Paglipat sa Virtual Office?

 

Walang makapipigil sa mga negosyo na maging virtual sa panahong ito. Mula sa maliliit na start-up hanggang sa mga multinasyonal na korporasyon, palaging may mapapakinabangan ang isang negosyo sa malayuang pagtatrabaho at sa pagkakaroon na lamang ng virtual office address. Ngunit tulad ng lahat ng bagay, mayroon ding mawawala. Maaaring hindi ang virtual office ang pinakamainam na opsyon para sa lahat dahil nakadepende pa rin ito sa uri ng inyong negosyo at sa paraan ng inyong pagtatrabaho. Ngunit kung pinag-iisipan ninyong lumipat at nagtataka kung uunlad pa rin ang inyong negosyo, isaalang-alang ang mga karaniwang bentaheng ito.

Makatipid ng oras at resources sa pag-aalis ng pagbiyahe papunta sa trabaho

Kung kayo ang tipo ng taong gusto ang mahabang biyahe papunta at pauwi mula sa opisina, magiging disbentaha ito para sa inyo. Ngunit kung mahalaga sa inyo ang oras, at kayo ang tipong laging maraming inaasikaso, ang pagtitipid ng oras dahil hindi na kayo bibiyahe ay nagbibigay sa inyo ng pagkakataong maging mas produktibo sa trabaho o gumawa pa ng ibang bagay na hindi sana ninyo nabigyan ng oras, gaya ng mabilis na pag-jogging sa umaga, yoga session sa umaga, o mas mahabang almusal kasama ang inyong pamilya.

Iayon ang trabaho sa oras ng paglalaro kasama ang inyong mga anak

Ang flexibility na hatid ng virtual office ay nagbubukas din ng mas maraming pagkakataon para gumawa kayo ng ibang bagay, lalo na kung kayo ay magulang. Kalimutan na ang hindi pagdalo sa oras ng paglalaro. Kalimutan na ang hindi pagsundo sa inyong mga anak dahil sa overtime. Kalimutan na ang paggugol ng 10 oras araw-araw nang hindi nakikita ang inyong mga anak at ang pagiging sobrang pagod para makipaglaro sa kanila pag-uwi ninyo. Sa isang virtual office, mas maayos ninyong maplaplano ang inyong mga araw, makapagtatrabaho ayon sa gusto ninyong iskedyul, at sa wakas ay makakamit ang balanse ng trabaho at buhay na matagal na ninyong inaasam.

Access sa mas malawak na talent pool

Ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng virtual office kung kayo ang nasa panig ng pagkuha ng tauhan sa negosyo? Nangangahulugan ito na magkakaroon kayo ng access sa mas malawak na talent pool at maaari ninyong isaalang-alang ang mga kandidato mula sa buong mundo—isang bagay na hindi ninyo magagawa kung umaasa kayo sa pisikal na opisina. Depende sa industriyang kinabibilangan ninyo, at kung alam ninyo kung paano eksaktong samantalahin ang pagkakataong ito, maaari itong maging malaking game-changer para sa inyong negosyo.