Mabilisang Solusyon sa Opisina
Hindi bababa sa 31% ng mga bumibisita sa Singapore bawat buwan ang narito para sa negosyo. Kung isa ka sa malaking bilang na ito, maaaring naghahanap ka ng mga panandaliang solusyon sa opisina para sa iyong pananatili.
Dito makatutulong sa iyo ang CEO SUITE. Kailangan mo man ng tahimik na lugar upang magtrabaho sa loob lamang ng isang oras, pansamantalang lokasyon upang simulan ang iyong negosyo, o kumpletong kagamitang boardroom upang idaos ang napakahalagang pulong, may package ang CEO SUITE na ikasisiya ng lahat ng business traveler.
Matatagpuan sa puso ng central business district sa Raffles Place (malapit lamang lakarin mula sa Raffles Place MRT Station), nasa mainam na lokasyon ang CEO SUITE upang magkaroon ka ng propesyonal na address na pagtatrabahuhan.
Ang bawat opisina, na kayang paupuin ang hanggang 20 propesyonal, ay may kumpletong panloob na suportang kailangan mo, habang nagbibigay rin ang CEO SUITE ng panlabas na suporta sa anyo ng serbisyong secretarial, nakalaang linya ng telepono, PABX at voicemail, kagamitan sa pag-print, pag-scan at pag-photocopy, broadband internet access, video teleconferencing at marami pang iba. Sa madaling salita, ang CEO SUITE ang magiging opisina mo habang malayo ka sa tahanan.
Bukod sa napakahusay na pasilidad para sa negosyo, hindi mapababayaan ang iyong personal na kapakanan dahil may mga nakarerelaks na pahingahan, pati na isang pantry na puno ng maiinit at malalamig na inumin at, siyempre, designer coffee. Para sa kaunting privacy, lalo na kung ramdam mo ang epekto ng jet lag, pumasok sa isa sa mga ‘Zen’ room upang umidlip nang payapa.
Nag-aalok ang CEO SUITE ng malawak na hanay ng mga package ng opisina kaya tiyak akong makakahanap ka ng babagay sa iyong mga pangangailangan. May panandaliang upa na hindi bababa sa tatlong buwan, ngunit maaari ka ring umupa lamang ng opisina o boardroom sa loob ng isang araw, kalahating araw, o isang oras lamang! Hindi pa naging ganito kadali ang magtrabaho habang naglalakbay!













