Pag-akit ng Dayuhang Pondo mula sa 7 Milyong Koreanong Negosyante sa Ibang Bansa

Apr 26, 2013

“Opisyal nang magsisimula ang kampanya upang makahikayat ng mga deposito sa dayuhang salapi mula sa 7 milyong Koreanong naninirahan sa ibang bansa,” pahayag ni Overseas Koreans Foundation President Kwon young-kon sa isang press conference na ginanap sa ICC Jeju noong Oktubre 27, isang araw bago buksan ang ika-7 World Korean Business Convention.

 

Nagpatuloy siya, “Hindi lamang 1,200 Koreanong negosyante ang lumalahok sa kombensiyon ngayong taon kundi makikibahagi rin sa pandaigdigang kampanya ang mga ehekutibong negosyante sa 40 bansa sa buong mundo.”

 

Tulad ng pangyayari sampung taon na ang nakararaan nang magpadala ang mga Koreano sa Hapon ng $1.2 bilyon sa Timog Korea sa pamamagitan ng pagbubukas ng tig-iisang bank account bawat tao, naghahangad ang mga Koreano sa ibang bansa na makapag-ambag sa paglutas ng kawalang-katatagan ng foreign exchange market sa pamamagitan ng pagpopondo ng mga deposito sa dayuhang salapi.

 

Ipinaliwanag ng Pinuno ng World Korean Business Convention na si Seung Eu-ho, “Tumaas nang husto ang palitan ng dolyar at mataas ang interes para sa mga deposito sa dolyar. Madaling makalikom ng bilyun-bilyong dolyar kapag humiling sa makapangyarihang mga institusyon.” Ang Pinuno ng CEO Suite na si Kim Eun-mi, na sumali sa kumperensiya upang kumatawan sa kababaihang negosyante, ay nagsabi, “Malaking bahagi ng kawalang-katatagan ng ekonomiya ay dulot ng sikolohikal na takot, na karamihan ay pinalalaki at binabaluktot. Nais kong makapaghasik ng binhi ng pag-asa sa pagkakataong ito upang matulungan ang Timog Korea hangga’t maaari.”

 

Ilulunsad ang ika-7 World Korean Business Convention sa ICC Jeju simula ngayong araw sa loob ng tatlong araw. Ipinagmamalaki ng kombensiyon ngayong taon ang record-breaking na paunang pagpaparehistro, kung saan 2,944 na kalahok mula sa 35 bansa ang nakakumpleto ng early bird registration. Lalo na ngayong nasa sukdulan ang kawalang-katatagan ng ekonomiya, tatalakayin ng mga Koreanong negosyante sa kombensiyon ngayong taon ang iba’t ibang hakbang upang iligtas ang Timog Korea mula sa krisis sa ekonomiya nito.

 

Ni Dong-eun Lee/ JYJ

Reporter, Hansang

Martes, 28 Oktubre 2008