3 Paraan Kung Paano Binabago ng Virtual Offices ang Maliliit na Negosyo

Sep 18, 2015
3 Paraan Kung Paano Binabago ng Virtual Offices ang Maliliit na Negosyo

 

Tiyak na makatwiran para sa mga negosyante, at sa maliliit at nagsisimulang negosyo, na kumuha ng virtual office pagdating sa mga konsiderasyong pampinansiyal. Ang pagpapalit ng inyong aktwal na opisina sa isang virtual na opisina ay nangangahulugang makatitipid kayo sa napakaraming mapagkukunan at sa malaking halaga ng pera.

Ngunit ang paggamit ng mga virtual office ay may higit na pakinabang kaysa sa pagtitipid lamang ng pera. Kapag napagtanto ninyo ang natatanging posisyon at posisyong pangnegosyo na kinalalagyan ninyo, matutuklasan ninyo kung gaano pa ninyo ito mapakikinabangan at kung gaano kalaki ang gantimpala.

Pagbibigay ng bagong anyo sa inyong branding

Aminin na natin. Isa sa mga pinakapangunahing gamit ng pagkakaroon ng virtual office ay ang pagkakaroon ng propesyonal na address ng kumpanya kahit na, sa totoo lang, nagtatrabaho kayo sa inyong opisina sa garahe na naka-sweatpants lamang. At wala talagang mali roon. Sa katunayan, maaari pa ninyong higit na pataasin ang pakinabang na ito sa pamamagitan ng pag-iisip na i-update ang branding ng inyong negosyo.

Pagbibigay sa inyo ng mas magandang pagkakataon sa marketing

Depende sa uri ng negosyong mayroon kayo, kung minsan ay mas makatwiran ang magkaroon ng magandang tingnang showroom o conference room para lamang makipagkita sa mga kliyente. Ganoon din para sa mga propesyonal na nagtatrabaho mula sa bahay. Nakatutulong ito sa inyong mga pagsisikap sa marketing kung mayroon kayong business address na maipagmamalaki ninyo sa kasalukuyan at posibleng mga kliyente, at pinatataas nito nang sampung beses ang kredibilidad ng inyong negosyo.

Pagbibigay ng kahusayan sa mga empleyado

Kapag ang inyong puwesto sa trabaho ay hindi limitado sa apat na dingding ng isang maliit na opisina, hindi lamang literal na lumalawak ang inyong espasyo sa trabaho. Nagkakaroon din kayo ng pagkakataong magpalit ng lokasyon kung saan ninyo gusto at kailangang magtrabaho ayon sa kasalukuyang pangangailangan ng inyong mga kliyente. At sa buong panahong iyon ay napapanatili ninyo ang parehong business address.

Sa pamamagitan ng mga virtual office, halos magagawa ninyong opisina ang buong mundo habang mayroon kayong isang pangunahing office address kung saan madali kayong mahahanap at makokontak ng mga kliyente.