Malikhaing mga Co-Working Space sa Jakarta

Nov 21, 2016

 

Sa panahong ito, ang industriyang digital sa Jakarta ay pinangingibabawan na ng mga batang negosyanteng unti-unting ginawang multi-milyong dolyar na negosyo ang kanilang maliliit na negosyo. Bumuo silang lahat ng isang kilusan kasama ang isang komunidad ng mga bata at matagumpay na negosyanteng may parehong interes sa teknolohiya at may mithiing maging mga lider ng industriya.

Nagbunga ang pagdating na ito ng pag-usbong ng mga “co-working office” na maluluwag, bukas ang plano, at may modernong disenyong mga lugar ng trabaho na nagpapalago ng pagkamalikhain at personal na pakikisalamuha sa pagitan ng magkakatrabaho o maging ng hindi magkakatrabaho. Ang mga natatanging office space na ito ay inookupahan ng mga empleyadong nasa kanilang maagang 20s o 30s na mayroon nang matataas na posisyon sa kanilang mga organisasyon. Ang “bukas na layout” ay nakatutulong sa malayang pag-iisip at palitan ng mga ideyang nagmumula sa social networking na itinataguyod ng lugar.

Pinagsasama-sama ng mga “co-working office” ang mga negosyanteng magkakapareho ng pananaw mula sa iba’t ibang larangan ng kadalubhasaan na nagtutulungan sa mga proyektong pangnegosyo, naghahati sa mga trabaho, at tumutulong sa pangangailangan ng mga kliyente ng isa’t isa. May natatanging interes ang bagong henerasyon ng mga negosyante sa mga paraan ng pagtatrabaho na hindi limitado sa mga kumbensiyon ng tradisyonal na buhay korporasyon. May iba silang pamumuhay na kadalasan ay ang saloobing “work hard, play hard,” na mahilig magdiwang ng maliliit na tagumpay at madalas maglakbay para man sa trabaho o paglilibang.

Dumami na ang ganitong modernong uri ng office space sa Jakarta dahil sa pagdami ng mga ambisyoso at batang negosyanteng bihasa sa I.T. na nangangailangan ng higit na flexibility sa gastos ng office space at sa tagal ng pag-upa. Mas palipat-lipat sila ngunit nangangailangan ng mga lokasyon ng co-working office sa mga lugar ng CBD na malapit sa pangunahing pampublikong transportasyon at mga sentrong komersiyal, kabilang ang mga tindahan.

Karamihan sa mga “co-working” space ay mga “hole-in-the-wall” na napakasimple ng interior at pangunahing muwebles lamang ang mayroon – hindi talaga nila naipakikita ang isang kagalang-galang na pangalan ng kompanya o address ng negosyo at mas nagsisilbi silang parang coffee shop na may mas malalaking mesa at may pasilidad sa pag-print.

Gayunman, may ilang nagbibigay ng parehong konsepto ng workspace ngunit may mas kagalang-galang na pangalan, may pangunahing address sa CBD, at may mas maayos na kapaligiran sa trabaho, na malaki ang maitutulong sa inyong negosyo pagdating sa publisidad at sa pagtatatag ng mas propesyonal na imaheng korporasyon. Isa rito ang CEO SUITE na may mga business centre na may mga “co-working” space sa pangunahing mga lugar ng CBD sa Jakarta, kabilang ang: AXA Tower, One Pacific Place, Sahid Sudirman, Indonesia Stock Exchange Tower at Wisma GKBI. Mayroon din ang CEO SUITE ng modernong mga meeting room para sa maliliit at malalaking grupo na may mga pasilidad para sa video-conferencing na maaaring upahan nang kada oras o kada araw, isang kumpleto sa kagamitang pantry na may walang-limitasyong kape at tsaa, mga pasilidad sa pag-print at pag-scan, isang VIP business lounge at mga private office suite.

Kung sa tingin ninyo ay hindi pa kayo handang magkaroon ng private office na maaaring mangailangan ng mas mataas na bayad at mas mahabang pangako sa tagal ng pag-upa, maaaring mas bumagay sa inyo ang mga solusyong “co-working” office. Alamin ang higit pa tungkol sa mga “co-working” office sa pagbisita sa: www.ceosuite.com/co-working/.

Nov 21, 2016