Ang CEO SUITE ay nangunguna na sa industriya sa loob ng 20 taon, kasama ang mga premium business centre nito na itinatag sa walang iba kundi sa pinakamahusay at pinakamarangyang business district sa mga bansang Asyano tulad ng Indonesia, Pilipinas, Timog Korea, Biyetnam, Tailandya, Tsina at Singapore at Malaysia. Higit pa sa napakahalaga nitong mga prestihiyosong lokasyon, nag-aalok ang CEO SUITE ng isang bagay na nakahihigit sa iba—iyon ay ang walang kapantay na pagkakapare-pareho nito sa paghahatid, kredibilidad at pagiging maaasahan sa kabila ng pagkakaiba-iba sa kultura at tradisyon.
Hindi lamang naging lider sa industriya ang CEO SUITE, kundi ito rin ang pinagkakatiwalaang pagpipilian ng maraming blue chip na multinasyonal na kumpanya dahil sa malinaw at pamantayang propesyonalismo na isinasagawa sa bawat isa sa mga premium business centre nito. Mahigit daan-daang blue chip na multinasyonal na kumpanya ang nakatagpo ng kasiyahan at paghanga sa serbisyo ng CEO SUITE, at patuloy na naniniwala sa inihahatid ng CEO SUITE para sa kanila. Sa pamamagitan ng isang team na binubuo ng mga propesyonal sa serviced office na may pinagsamang karanasan sa industriya na mahigit 200 taon, ipinakita at patuloy na ipinapakita ng CEO SUITE kung paano mapagtatagumpayan kahit ang mga pagkakaibang pangkultura. Ang CEO SUITE ay pangunahing binubuo ng mga babaeng lider na may iba’t ibang nasyonalidad sa Asya ngunit may iisang hanay ng mga pagpapahalaga, na mahigpit at walang pag-aalinlangang inilalapat sa pang-araw-araw na transaksyon sa 19 na premium business centre para sa mahigit daan-daang kliyente sa iba’t ibang industriya ng negosyo.
Higit pa sa paniniwala sa mga pagpapahalaga ng CEO SUITE, ang pinakamahalagang lakas at bentahe ng team ng CEO SUITE ay ang aktuwal na paglalapat nito ng mga pagpapahalaga ng kumpanya. Ang katapatan na walang ibang ihatid kundi ang pinakamataas na kalidad ng serbisyo sa bawat kliyente ay lumalampas sa mga pagkakaiba sa kultura ng negosyo, at iyan ang paraan ng CEO SUITE sa pagbubuklod ng mga karanasang multikultural.
Jan 06, 2017













