Mga Tip sa Pagkuha ng Mahuhusay na Talento

Apr 30, 2015
Mga Tip sa Pagkuha ng Mahuhusay na Talento

Interesado ba kayong makaakit ng pinakamahuhusay na talento sa inyong kumpanya? May tatlong tiyak na estratehiyang magagamit ninyo upang matulungan ang inyong kumpanya na mahanap ang pinakamahuhusay na aplikante para sa mga bakanteng posisyon.

Ang pagsunod sa mga tip na ito habang nag-aanunsiyo kayo ng trabaho, nagre-recruit, nag-iinterbyu, at kumukuha ng empleyado ay makatutulong sa inyong kumpanya na makaakit at mapanatili ang pinakamahuhusay na propesyonal.

Ang job description

Magsimula sa isang mahusay na job description. Kung hindi pa kayo sigurado kung ano ang magiging posisyon, marahil kailangan ninyong humanap ng karagdagang impormasyon o sumangguni sa mga miyembro ng departamentong papasukan ng bagong miyembrong ito ng koponan. Mahalaga ang isang mahusay na job description tuwing kayo ay kukuha ng empleyado. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagsusulat ng job description na mapapansin, mag-click dito upang basahin ang How to Write an Effective Job Description. Ang pag-aanunsiyo gamit ang tamang job description ay makatutulong sa inyo at sa inyong koponan na makuha ang mga tamang tao para sa trabaho. Makatutulong ito upang mapalago ninyo ang isang matatag na kumpanyang umaakit ng pinakamataas na antas ng talento.

Mag-isip na parang isang aplikante

Maiiwasan ang karamihan sa malalaking pagkakamali kung tatandaan ninyong tingnan ang job description sa paraang titingnan ito ng isang posibleng kandidato. Kung kayo ang mag-a-apply sa trabahong ito, ano ang gusto ninyong malaman? 

Maaaring mahirap para sa mga matataas na ehekutibo na ilagay ang kanilang sarili sa kalagayan ng isang taong naghahanap ng trabaho, lalo na kung ang trabaho ay para sa posisyong hindi pa nila nagagampanan mismo o matagal na mula nang sila mismo ay naghanap ng trabaho. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tulong ng karamihan sa mga may-ari ng kumpanya sa pagsusulat ng mga job description. Napakahusay nilang magpaliwanag ng Mission statement ng kumpanya at ng kultura ng korporasyon, ngunit maaaring hindi sila mahusay sa pagtalakay sa pang-araw-araw na operasyon ng mga empleyadong nasa gitna o mababang antas. May mga may-aring talagang nananatiling konektado sa bawat antas ng empleyado ngunit karamihan ay nagiging lubhang abala at matagumpay kaya hindi na nila madaling maipaliwanag ang pang-araw-araw na operasyon ng mga empleyadong entry-level o nasa gitnang antas ng kumpanya. Sa pangkalahatan, ang mga job description na isinulat ng matataas na ehekutibo ay mas teoretikal at nakatuon sa mission statement ng kumpanya kaysa praktikal (na may mga pangunahing detalyeng talagang kailangang malaman ng isang taong naghahanap ng trabaho at may eksaktong kwalipikasyong hinahanap nila).

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang magsaliksik. Kailangan ninyong alamin ang mga katotohanan at tiyakin kung ano mismo ang magiging responsibilidad ng bagong empleyadong ito. Maaaring nakatutukso na maglabas ng malabong job description at saka na lang ito linawin kapag nagsimula na kayong mag-interbyu. Kung gagawin ninyo ito, nagkakamali kayo dahil mas mabilis nga ninyong maipapaskil ang job description ngunit magbabayad kayo ng malaking halaga sa bandang huli; mangangailangan kayo ng mas mahabang oras upang interbyuhin ang inyong mga kandidato at salain ang mga posibleng empleyado kung hindi ninyo naipahayag ang mahahalagang detalye sa job description. Gayundin, kung masyadong mahaba ang job description, maaaring hindi na maglaan ng oras ang mga kwalipikadong aplikanteng abala at matagumpay na upang basahin ito o mag-apply.

Makipagtulungan sa mga propesyonal mula sa unang araw

Maaari kayong mag-recruit ng pinakamahuhusay na talento sa inyong lugar sa pamamagitan ng pagsangguni sa bihasang departamento ng recruitment at human resources ng CEO SUITE. Ang aming mga propesyonal ang bahala sa pagpapaskil ng trabaho, pagsasala ng mga aplikante, pag-iinterbyu, pagkuha ng empleyado, at maging sa pagsasanay, kung nais ninyo. Sa mga lokasyon nito sa buong Asia-Pacific, ang CEO SUITE ang pinakamahusay na provider sa rehiyon ng serviced office space at de-kalidad na serbisyong pangnegosyo. Makipag-ugnayan sa inyong recruiter ngayon at wakasan ang abalang dulot ng pagkuha ng empleyado sa inyong pang-araw-araw na iskedyul.