Kung Bakit ang Pilipinas ang Pinakamainam na Lugar upang Itayo ang Inyong Negosyo

Feb 06, 2017
Kung Bakit ang Pilipinas ang Pinakamainam na Lugar upang Itayo ang Inyong Negosyo

 

Noong nakaraang taon lamang, sumali ang Oxford Business Group sa isang news conference at ginawa ang pahayag na ito. “Hindi ito maiisip pitong taon na ang nakalipas, ngunit ang Pilipinas ang pinakamahusay na ekonomiya sa Timog-Silangang Asya ngayon. Hindi na nagtatanong ang mga investor kung bakit, kundi kung saan at sa anong mga sektor sila dapat mamuhunan,” sabi ni Paulius Kuncinas, Managing Editor ng Oxford Business Group (OBG).
Ayon sa Oxford Business Group, ipinapakita ng pananaw nito sa pamumuhunan para sa Pilipinas mula taong 2016 hanggang 2022 na ang malakas na lokal na konsumo ng bansa, lumalagong sektor ng business process outsourcing at bagong tamong katatagan sa politika ay ilan sa mga pangunahing salik sa paglago ng bansa. Ang malaki, bata at matatas sa Ingles na workforce ng Pilipinas, dagdag pa ang napakalapit na ugnayang pangkalakalan sa ibang mga bansa sa Asya, ang pangunahing umaakit sa mga investor.

Narito ang ilan pang dahilan kung bakit mabuti ang Pilipinas para sa negosyo:

1. Pangunahing prayoridad ang mas mataas na edukasyon

Walang duda na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang sineseryoso ang edukasyon. Sa bansang ito, itinatangi ang mga may hawak ng Bachelor Degree mula sa mga hindi nagpatuloy sa pag-aaral. Iniulat na ang literacy rate sa bansa ay 94.6—kabilang sa pinakamataas. Ang Pilipinas ang ika-3 pinakamalaking bansang nagsasalita ng Ingles sa mundo.

2. Ekonomiyang Magiliw sa Negosyo

Ayon sa DFA ng Pilipinas, kabilang sa mga incentive package ng Pilipinas ang corporate income tax, na ibinaba sa kasalukuyang 32%, at ang mga kumpanya sa mga Special Economic Zone ay sakop lamang ng 5% na kabuuang tax rate. Ang mga multinasyonal na naghahanap ng regional headquarters ay may karapatan sa mga insentibo tulad ng exemption sa buwis at importasyong walang buwis at taripa ng mga partikular na kagamitan at materyales.

3. Magiliw na Pamumuhay & Mas Mababang Gastos sa Sahod ng Manggagawa

Likas sa Pilipinas ang pagiging ikalawang tahanan ng maraming expatriate na nasisiyahan sa piling ng pinakamagigiliw na tao sa mundo. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging napakamapagpatuloy sa mga dayuhang bisita. Ang pagiging bukas ng bansa sa iba’t ibang kultura at ang masigasig na pandaigdigang pananaw nito ay nakahihigit sa iba. Pinahahalagahan ng mga expat ang pagiging madaling makuha at abot-kaya ng mga pangangailangan at luho sa Pilipinas—mga business center, paaralan, shopping mall, hotel, pabahay, ospital, beach resort, restawran, recreation center at parke, at higit sa lahat, ang gastos sa sahod ng manggagawa para sa kanilang mga kumpanya.

4. Walang Limitasyong Oportunidad sa Negosyo

Ang ASEAN Free Trade Agreement, o kilala rin bilang AFTA, ay pinag-aralan at isinama ng maraming ekonomiya sa Asya. Ipinakita at pinatunayan nito kung paanong ang Pilipinas ang pinakaestratehikong lokasyon para sa mga kumpanyang nais umabot sa malaking merkado ng ASEAN at sa napakalaking mga pakinabang nito sa kalakalan.

Patuloy na pinalalago ng Pilipinas ang ekonomiya nito at tinatanggap ang pagdagsa ng mga dayuhang negosyo na nakapagtanto sa mapagkakakitaang merkadong ito na nagpalago ng GDP nito sa nakalipas na 4 na taon. Bilang moderno at maunlad, ang Central Business District ng bansa, partikular ang Ayala – Makati, ay nagpakilala na ng mga handang serviced office solution at paggamit ng business address para sa pagpaparehistro ng kumpanya, gayundin ng mga kumpleto sa gamit na business centre. Ang mga espesyalista sa negosyong ito sa Asya tulad ng CEO SUITE ay nag-aalok ng higit pa sa mga prestihiyosong business address at serviced office; nagbibigay rin sila ng kumpletong solusyon sa pagsisimula ng negosyo na kinabibilangan ng: virtual office, mga serbisyo sa pagpaparehistro ng kumpanya, mga serbisyo sa accounting at pagkuha ng tauhan, gayundin ng mga solusyon sa branding.

Alamin pa sa www.ceosuite.com.

Feb 06, 2017