Bagay Ba Kayong Maging Sarili Ninyong Boss? Mga Dapat Alamin ng Negosyante

Sep 01, 2016
Bagay Ba Kayong Maging Sarili Ninyong Boss? Mga Dapat Alamin ng Negosyante

Ang pagsakay sa ekspedisyon ng pagnenegosyo ay isang palitang mataas ang panganib at mataas din ang gantimpala. Napakalaki ng pagkakaiba sa pagitan ng pagnanais na gawin ang isang bagay at ng kakayahang kumita ng ikabubuhay mula sa paggawa ng bagay na iyon. Ang pagiging matagumpay na may-ari ng negosyo ay nangangailangan ng pamumuhunan ng sarili ninyong pera, na sinasamahan ng maraming oras at pagsisikap mula sa inyo. Sa kabila ng pang-akit ng pagiging sarili ninyong boss, ang totoo ay hindi lahat ay hinubog upang maging matagumpay na may-ari ng negosyo. Kung may pangarap kayong mapabilang sa hanay ng mga may-ari ng maliliit na negosyo, kailangan muna ninyong matukoy kung angkop kayong maging sarili ninyong boss. Tayo rin, kung tutuusin, ang pinakamalaking kalaban at kasabay nito ay pinakamatibay na tagasuporta ng ating sarili. Narito ang ilang tanong at bagay na kailangan ninyong isaalang-alang at itanong sa inyong sarili upang malaman kung tama ang direksiyong tinatahak ninyo sa pagtupad ng inyong ideya na maging sarili ninyong boss:

1. May dedikasyon ba kayo? May passion ba kayo?

Ayon sa Small Business Association, mahigit kalahati ng maliliit na negosyo ang nabibigo sa loob ng limang taon, dahil sa iba’t ibang dahilan. Mahalagang maging tapat kayo sa tagumpay at pagtagal ng inyong negosyo. Maaaring may mga balakid at problema sa daan, ngunit kung determinado kayong magpatuloy, lubhang tataas ang inyong tsansa na magtagumpay. Kailangan ninyong matiyak na sapat ang inyong passion upang magpatuloy kayo sa mahahabang panahon na walang kita, walang customer, at walang pamumuhunan.

2. May Karanasan ba Kayo? Handa ba kayong matuto?

Ang kakulangan ng karanasan at kaalaman tungkol sa mga partikular na gawi sa negosyo ay dalawa lamang sa maraming dahilan kung bakit nabibigo ang mga bagong negosyo ilang panahon lamang matapos itong itayo. Tiyaking mayroon kayong kaalaman at aktuwal na karanasan upang patakbuhin ang negosyong pinaplano ninyo, o kahit man lang ay maging bukas na matutuhan ito nang mabuti. Magsisimula pa lamang man kayo ng sarili ninyong proyekto o matagumpay na kayong may-ari ng negosyo, palaging mapatutunayang mahalaga ang pagkuha ng komprehensibong mga kurso.

3. Disiplinado ba kayo? Kaya ba ninyong maging lider?

Maaaring napakahusay ng inyong pagganap sa huli ninyong trabaho, kasama ang isang matulungin ngunit mahigpit na superbisor na nagtakda ng malinaw na mga inaasahan. Ngunit makakamit ba ninyo ang parehong resulta kung malaya kayong magtatrabaho? Kung nais ninyong magpatakbo ng startup, kailangan ninyong maging lider – wala nang pero-pero pa tungkol dito.

May mga kalamangan at kahinaan ang pagiging sarili ninyong boss –- may lakas ng loob ba kayong tanggapin ang hamon? Nagbibigay ang CEO SUITE ng tulong sa mga business start-up, tingnan kung paano sila makatutulong sa inyong mga plano na maging CEO – bisitahin ang: www.ceosuite.com.