Laging masarap ang magkaroon ng long weekend, o marahil ilang araw pang bakasyon, hanggang sa matapos ito. Napakaraming tao sa mundo ang malungkot sa pagbabalik sa kayod. Bagama’t may mga sobrang sabik na inaabangan ang pagbabalik sa trabaho, ang mga nagkaroon ng napakagandang bakasyon ay marahil nagbabasa pa nito at nag-iisip kung paano malalampasan ang unang araw ng pagbabalik sa trabaho. Aminin na natin, karamihan sa atin ay ayaw matapos ang weekend o holiday, kung kaya lang sana nating lahat!
Ang unang dapat gawin upang mapagtagumpayan ang katamaran sa pagbabalik sa trabaho ay ang pagtanggap. Oo, ang pagtanggap na tayong lahat ay kailangang bumalik sa realidad at sa trabaho.
- Hindi pa rin ninyo matanggap na tapos na ang weekend. Nasa alapaap pa rin ang inyong isip, at napaka-B-A-G-A-L ninyo sa trabaho.

- Sinimulan ninyong buksan ang tambak ninyong hindi pa nababasang email, na biglang nagpaalala sa inyo ng lahat ng nakabinbing trabaho, gawain at deadline, at ang gusto lang ninyong gawin ay tanggalin sa saksakan ang inyong computer.
- Hindi ninyo mapigilang tumingin sa orasan buong oras at saka ninyo mapagtatanto na Lunes pa lang at may apat pang araw kayong gagawa nito.

- Gusto lang ninyong mag-undertime, o mas malala pa, mag-file ng SL.
- Paulit-ulit ninyong tinitingnan ang mga litratong kinuha ninyo noong nakaraang holiday/long weekend na lalong nagpapalungkot sa inyo sa pagbabalik sa trabaho, para lang malaman na may working lunch pala kayo ngayon!!

Taas-noo. Magkakasama tayong lahat dito!













