Paano Binago ng Mobile Technology ang Business Travel

Sep 20, 2016
Paano Binago ng Mobile Technology ang Business Travel

Dahil sa makabagong teknolohiya, lalo pang naging maginhawa ang business travel para sa lahat. Gayunman, naging katwiran din ito ng ilang kompanya upang bawasan ang gastos sa mga business trip ng kanilang mga empleyado dahil karamihan sa mga transaksiyon sa negosyo ngayon ay magagawa na online.

Sa positibong panig, dahil sa pag-unlad ng mobile technology, hindi na hadlang ang mahahabang business trip sa ibang bansa sa maayos na operasyon ng anumang negosyo. Ang lahat ng ating office email, business report at presentasyon sa kliyente ay magagawa na ngayon gamit ang ating mga high-tech na mobile gadget na may high speed internet at data connectivity. Video conferencing anumang oras ay hindi na problema dahil lahat tayo ay may Skype on Mobile o Facebook Video. Madaling magamit ang mga Viber call at mga phone messenger application tulad ng Facebook Messenger, WhatsApp o Line para sa agarang pangangailangan sa komunikasyon saanmang lugar.

Lubhang nagbago ang business travel sa paglipas ng mga dekada, at mas naging posible pa ito sa pagpasok ng mga budget carrier sa buong mundo. Natugunan ng mga carrier ang mga same day return flight na madalas kailanganin ng mga business traveler sa pagbubukas ng mga flight sa madaling-araw at mga “red eye” (hatinggabi) na flight upang mapakinabangan nang husto ang araw ng trabaho. Maging ang mga pangangailangan sa bagahe ng mga madalas na business traveler ay isinaalang-alang na rin ng mga airline na nag-aalok ngayon ng mga pamasahe para sa hand carry luggage lamang sa mas mababang presyo. Pinahusay ng mga airline frequent flyer program ang mga benepisyo ng miyembro kabilang ang mga alok sa kainan, pag-upa ng sasakyan at iba pang benepisyong may kinalaman sa paglalakbay. May mga mobile phone application para sa online na booking ng flight at hotel para sa agarang pangangailangan sa business trip – magagawa ang bawat pagbabago sa itinerary ng biyahe sa isang pindot lamang ng button sa mobile device. Lumikha rin ang mga hotel ng bagong kategorya – ang mga business hotel o boutique hotel – na dumami sa buong mundo upang tugunan ang pangangailangang ito ng mga business traveler sa mga pangunahing serbisyo ng hotel; at bumuo ng mga loyalty program para sa mga corporate client upang tugunan ang kanilang regular na pangangailangan sa paglalakbay, na nagbibigay rin ng mga espesyal na diskuwento.

Isa pang kawili-wiling pag-unlad ang pagdami ng mga premium business center, hindi lamang sa mga paliparan, kundi pati sa mga CBD area kung saan maaaring humabol sa trabaho habang nagrerelaks sa mga prestihiyosong business lounge o private office suite na may high-speed Internet, walang-limitasyong kape at tsaa, at mga pasilidad sa pag-print/pag-scan ng dokumento. Mayroon ding mga meeting room para sa maliliit o malalaking grupo na magagamit kada oras o kada araw. Sa Asya, isa sa pinakamahuhusay na tagapagbigay ng natatanging serbisyong ito ang CEO SUITE na may 19 na premium business centre sa mga CBD area ng Singapore, Jakarta, Makati, Kuala Lumpur, Bangkok, Hanoi, Seoul, Shanghai at Beijing.

Sa katunayan, naroon na ang lahat ng kailangan ninyo, kaya nagiging tuloy-tuloy ang paglalakbay para sa mga negosyanteng kailangang regular na maglibot sa mundo. Bilang jetsetter, alam ninyo ang kailangan ninyo tuwing kayo ay naglalakbay at hangga’t gumagana ang inyong mobile phone, dagdag pa ang lahat ng app na kailangan ninyo upang mag-book ng flight, hotel, pag-upa ng sasakyan, at iba pa, handa na kayo para sa buong taon. Tiyakin lamang na maisisingit din ninyo ang kaunting oras ng paglilibang sa daan upang maging hindi gaanong nakapapagod at mas makabuluhan ang paglalakbay.