Ayon sa ibinahagi ng Antara News, may umuunlad na freelance economy ang rehiyon ng Asia Pacific, kung saan nangunguna ang Singapore bilang pangunahing merkado sa pagkuha ng freelance talent sa Asya at isa sa nangungunang 10 merkado para sa mga independiyenteng manggagawa sa buong mundo. Ayon sa datos na inilabas ng isang freelancer jobs portal sa Timog-silangang Asya, nangunguna ang India na may 2,369,000 user at ang Pilipinas bilang umuusbong na merkado na may 536,000 user. Aktibo rin sa larangang ito ang iba pang merkado sa rehiyon, na may 412,000 user na naitala sa Indonesia; at 155,000 sa Biyetnam; sa iba’t ibang industriya kabilang ang Graphic Design, Internet Marketing at Programming.
Pag-unawa sa Diwa ng Freelance
Malinaw na ang segment ng mga freelancer ay isa na ngayong umuunlad na komunidad. Sa katunayan, ayon sa isang survey sa ulat na Entrepreneurship at a Glance 2015 ng OECD, mahigit 50% ng segment na ito ng workforce ang nagsabing ang work-life balance at ang kakayahang tahakin ang sarili nilang landas ang pangunahing nagtutulak sa kanilang desisyon na piliin ang flexible na pagtatrabaho.
Gayunman, hanggang ngayon, kulang pa rin ang serbisyo at atensiyon sa segment na ito ng workforce at binabarat pa ang kanilang bayad. Dagdag pa rito, kahit tinatamasa ng mga freelancer ang mas flexible na oras at nagtatrabaho sila ayon sa sarili nilang kondisyon, hindi nito binubura ang katotohanang may mga pagkakataong nagiging malungkot din ito lalo na kung wala silang suporta ng organisasyong pinagtatrabahuhan nila.
Pagtuklas at Paggamit sa Trend para sa inyong Kalamangan
Ang iilang negosyong kumukuha at gumagamit ng serbisyo ng mga freelancer, sa pangmatagalang kasunduan man o paminsan-minsan, ay maituturing na mga pioneer dahil sila ang kumilala sa halaga ng freelance na pagtatrabaho, iyon ay ang kalayaan at diwa ng pagnenegosyo. Sila ang sumunggab at lumukso sa pagkakataon. Iniulat na ang mga kompanyang gumawa nito ay nakinabang at patuloy na nakikinabang sa mga benepisyo nito sa sarili nilang workforce, gaya ng ipinakita ng survey na ginawa ng Deloitte sa kanilang ulat na Global Human Capital Trends noong nakaraang taon.
Oportunidad sa Negosyo & mga Oportunidad sa Network na kasama nito
Sa dumaraming bilang ng freelance workforce, maaari itong gawing oportunidad ng mga negosyo. Ang pagkumbinsi sa mga freelance na manggagawang ito na magtrabaho sa mataas ang kalidad, flexible, at kumpleto sa kagamitang mga working space sa maliit na bahagi lamang ng gastos ay maaaring maging win-win na sitwasyon para sa dalawang panig. Habang mas nakikita ng mga freelance na manggagawa na mas maginhawang magtrabaho sa mga flexible na working space, mas maraming negosyo ang ibig sabihin nito. Makikinabang din dito ang workforce upang magtrabaho nang mas produktibo, dahil alam nilang limitado ang upa nila sa espasyo, at ito ang magtutulak sa kanila na higit na magtuon sa kanilang trabaho. Maaari rin itong magbukas ng mga oportunidad sa networking para sa workforce at sa mga service office provider.













