Nagbabago na ngayon ang buhay sa opisina, dahil milyun-milyong manggagawa at parami nang paraming kompanya ang nagpapahintulot sa kanilang mga manggagawa na gawin ang kanilang trabaho sa bahay o sa malalayong lugar sa halip na sa pangunahing headquarters ng kompanya. Nakatulong ang teknolohiya sa paghubog ng pagbabagong ito, at nagpapakita ito ng magagandang resulta sa ngayon.
Ayon sa maraming pag-aaral at survey, ang remote na pagtatrabaho ay nagbibigay-daan sa mga empleyado na matamasa ang mas mabuting work-life balance, na siya namang nag-uudyok sa mga employer na makamit ang mas tumutugong paraan ng pagtatrabaho at pagpapatakbo.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa buong mundo, maging ang mga kompanya- maliit man o malaki ay nagpakita ng pagbaba sa laki ng espasyong inuupahan nila para sa kanilang mga manggagawa nitong mga nakaraang taon, na malinaw na nagpapakitang may kailangang magbago. Nangangailangan ang sitwasyong ito ng bago at mahusay na paraan upang maibigay sa mga manggagawa at kompanya ang flexibility na hinihingi nila, iyon ay hindi lamang mga opisina kundi pati mga workspace na maaaring umangkop upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Narito ang ilang mahahalagang katotohanang dapat tuklasin tungkol sa kung paano nagbabago ngayon ang mga opisina:
- Patuloy na tumataas ang bilang ng mga empleyadong nagtatrabaho mula sa bahay, o nang remote. Lubhang nagbabago ang bagong paraang ito ng pagtatrabaho kaya naaapektuhan nito ang dami at uri ng mga office space na kailangan at gusto ng mga kompanya.
- Ipinapakita ng maraming pag-aaral, na karamihan ay libreng makikita sa internet, na mahigit 50% ng mga empleyado sa mundo ay gumugugol na ngayon ng mahigit kalahati ng linggo ng trabaho sa paggawa ng kanilang trabaho sa bahay, o sa iba pang malalayong lugar maliban sa headquarters ng kanilang kompanya.
- Mula noong 1995, kapansin-pansing tumaas ang porsiyento ng mga manggagawang nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng telepono at Internet upang gawin ang kanilang trabaho.
- Tumaas sa 32% ngayong taon ang dumaraming gastos sa transportasyon sa buong mundo.
- Parami nang paraming empleyado ang nagpapahalaga sa work-life balance. Tumaas na ngayon sa 61% porsiyento ang mga manggagawang humihingi ng mas mabuting work-life balance at patuloy na tumataas ang pangangailangang ito.
- Dahil sa mga pagbabagong ito sa paraan ng pagtatrabaho ng mga tao, bumulusok ang demand sa pag-upa ng office space mula pa noong 2008.
- Ipinapakita ng mga pag-aaral na humigit-kumulang 93% ng mga empleyado sa mundo ang pumipili ng flexible na pagtatrabaho kaysa sa hindi flexible na pagtatrabaho. 61% sa kanila ang handang iwan ang kanilang kasalukuyang trabaho para sa trabahong nag-aalok sa kanila ng mas malaking flexibility. 61% din sa kanila ang nagsabing handa silang tanggihan ang mga alok na trabahong hindi flexible.
Mukhang may magandang kinabukasan ang pag-aalok ng mga flexible workspace sa halip na ang karaniwang pag-upa ng opisina. Mas madali at mas maginhawang makakamit ang maraming benepisyo tulad ng up-front na komisyon, mas mabilis na bayad at mga deal.













