Daan-daang libong manggagawa sa buong mundo ang nagsimula na at nagtatrabaho na mula sa bahay, at/o virtual ngayon. Patuloy na tumataas ang bilang, dahil natuklasang mas mura ang virtual na trabaho para sa mga kumpanya at mas maginhawa para sa mga empleyado at kanilang pamilya.
Maraming pakinabang ang virtual na pagtatrabaho, at medyo madaling ilista ang lahat ng ito, ngunit may nakatagong hadlang na kadalasang hindi natatalakay: ang pagtatrabaho nang virtual nang walang wastong setup at proseso ay napakadaling magdulot ng pagkagambala, at madalas na nagpapabaya ang mga manggagawa lalo na kung may mga bata sa paligid, nakabukas ang TV, tumutugtog ang radyo, at dalawang hakbang lang ang layo ng kusina at refrigerator.
Narito ang ilang paraan na maaari ninyong subukan upang gawing mas nakatuon at mas nakapagpapaproduktibong lugar ng trabaho ang inyong working environment:
1. Magpatama sa sikat ng araw.
Isa sa mga pangunahing nakaaapekto sa ginhawa ng inyong workspace ang ilaw. Kaya kung mapapansin ninyo, ang mga opisinang walang bintana ay mas nakapapagod sa mga manggagawang naroon kaysa sa mga mas nakatatanggap ng sikat ng araw. Hangga’t maaari, iwasan ang fluorescent na ilaw dahil napatunayang nagdudulot ito ng antok at pagkapagod ng mata. Ang pinakamainam ay mapatamaan kayo ng natural na liwanag. Maaari kayong magtrabaho sa tabi ng bintana ng inyong silid-trabaho nang kalahating nakabukas ang blinds upang may pumasok na natural na liwanag habang produktibo kayong nagtatrabaho.
2. Alisin ang mga abala.
Alisin ang lahat ng posibleng abala sa paligid ng napili ninyong lugar ng trabaho. Hangga’t maaari, pumili ng espasyo o lugar na tahimik — walang TV, o may pintong maaari ninyong isara para sa kaunting privacy. Mag-install ng software na epektibong humaharang sa mga nakagagambalang ad at website upang makapagtuon kayo sa trabahong ginagawa ninyo sa inyong computer.
3. Isaalang-alang ang temperatura ng silid ng inyong lugar ng trabaho.
Ang sobrang temperatura ay maaaring magdulot ng abala at mas mababang produktibidad. Ang sobrang lamig na silid ay maaaring makagambala at magpataas ng mga typographical error. Pinaninigas ng sobrang lamig na silid ang mga kalamnan at kasukasuan, kaya nagiging hindi gaanong maliksi ang inyong mga daliri sa pag-type sa computer. Sa kabilang banda, ang sobrang init na temperatura ay maaaring magpaantok sa isang tao at mawala siya sa pokus habang nagtatrabaho. Ang mainam na temperatura para sa productivity zone ay 25 degrees Celsius.
3. Pumili ng angkop na mga kulay.
Malaki ang naitutulong ng mga kulay sa pagpapasigla ng motibasyon ng isang tao. Hinihikayat ng mga kulay na berde at asul ang pokus, pagrerelaks, at kahusayan.
4. Panatilihing malinis at simple ang inyong workspace.
Alisin ang lahat ng kalat sa inyong mesa. Maging ang mga simpleng dagdag na dekorasyon na hindi naman talaga ninyo kailangan sa trabaho ay dapat iwasan dahil maaari rin itong makaabala.
5. Manatiling busog.
Ang pag-iimbak ng masusustansiyang meryenda sa inyong mga drawer ay makatutulong na mapalakas ang produktibidad at enerhiya sa buong oras ng trabaho. Nakatitipid din ito ng oras dahil hindi na kayo kailangang maglibot para maghanap ng meryenda kung abot-kamay na ninyo ito.
Gayunman, may mga disbentaha rin ang remote na pagtatrabaho at maaari itong magresulta sa hindi magandang imahe o kawalan ng kredibilidad ng inyong kompanya. Mahalaga pa rin na magkaroon ng propesyonal na business address para sa inyong kompanya upang maitatag ang inyong reputasyon, lalo na kung ito ay nasa prestihiyosong CBD area at sa mga kilalang office tower. Kabilang sa mga eksperto rito ang CEO SUITE na nagbibigay ng mga propesyonal na business address na magagamit ng inyong negosyo bilang produktong Virtual Office Mail Starter. Maaari ring asikasuhin ng CEO SUITE para sa inyo ang pagsagot ng telepono at paghawak ng mail, kasama ang paggamit ng Day Offices kung kailan kailangan. Upang malaman ang higit pa tungkol sa Virtual Offices, bisitahin ang: www.ceosuite.com.














