Perks, Parangal at Higit Pa… Pagpapasalamat sa Lugar ng Trabaho

May 18, 2015
Perks, Parangal at Higit Pa… Pagpapasalamat sa Lugar ng Trabaho

 

“Anumang tagumpay ang inyong makamit, may taong tumulong sa inyo.”

-Althea Gibson

Naglaan na ba kayo ng oras kamakailan upang tingnan sa paligid ng inyong kumpanya ang mga katuwang na tahimik na bumubuo sa inyong kumpanya? Ang inyong kumpanya ba ay isang lugar kung saan pinasasalamatan at ginagantimpalaan ang mga empleyado para sa serbisyong higit sa inaasahan, o madalas bang mapagod nang husto at magbitiw ang inyong mga empleyado?

Maraming dahilan kung bakit magandang ideya na kilalanin ang pagsisikap at mga makabagong ideya ng inyong mga empleyado.

  • Ang pagbibigay sa mga empleyado ng mga regalo, pasasalamat, insentibo sa paglalakbay, at pagkilala sa lugar ng trabaho ay nagpapatibay ng katapatan.
  • Kung nagpapakita ang inyong kumpanya ng pagpapahalaga sa mga empleyado, mas kaunti ang umaalis, mas kaunti ang trabaho ng HR, mas kaunting oras ang nasasayang sa muling pagsasanay, at mas mababa ang kabuuang gastos sa operasyon.
  • Ang pagpapakita ng pasasalamat at pagpapahalaga ay magandang karma; bumubuo ito ng positibong lugar ng trabaho na nakatuon sa resulta at makikita ito ng inyong mga customer.
  • Ang negatibo, mapamuna, o mapang-aping kapaligiran sa trabaho ay makikita ng inyong mga kliyente at customer, sa paraan ng pagtrato sa kanila. Sa kalaunan ay makasisira ito sa inyong kumpanya, o kahit papaano ay itataboy nito ang mga positibo, masigla, at mas mariwasang customer. Sa madaling salita: ang matitira sa inyo ay ang mga reklamador at mawawala ang mga customer na madaling pakitunguhan.
  • Maaari itong ibawas sa buwis. Anumang gastos na direktang may kaugnayan sa inyong negosyo (kabilang ang pagkilala sa empleyado, pribilehiyo sa paglalakbay, sasakyan ng kumpanya, at karamihan sa mga regalo) ay mga gastos na maaaring ibawas. Mangyaring sumangguni sa inyong tax team o accountant para sa eksaktong detalye tungkol sa mga pinahihintulutang gastos ng negosyo sa inyong bansa.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagbibitiw ang mga tao sa kanilang trabaho ay dahil hindi sila kinikilala sa kanilang pagsisikap at nais nilang pumunta sa lugar kung saan magkakaroon ng epekto ang kanilang kontribusyon; kung minsan, mabuti rin na may mga empleyadong nagbibitiw at lumilipat sa ibang trabaho. Paminsan-minsan ay gusto ninyo ng mga bagong mukha at bagong ideya. Ang mga tao ay may tendensiyang maging walang-sigla kung pumapasok sila sa iisang trabaho araw-araw sa loob ng 40 taon. Maaaring humina ang sigla at bumaba ang inobasyon. Ngunit kung masyadong marami ang umaalis, lumilikha rin iyon ng mga problema. Totoong-totoo ang gastos sa pagkuha at pagsasanay ng bagong koponan; ilang taon nang pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang pagbaba ng produktibidad sa mga panahong mataas ang pag-alis ng mga empleyado. Kadalasan, ang pagbibitiw ng napakaraming empleyado ay palatandaan na may hindi tama. Kung maayos ang antas ng sahod at kapaligiran sa trabaho, ngunit marami pa ring empleyado ang umaalis, maaaring dahil lamang ito sa kakulangan ng pagkilala sa lugar ng trabaho.

Kaya saan dapat magsimula? Ano ang pinakamahusay na paraan upang simulan ang isang bagong kultura ng pagpapahalaga sa empleyado sa lugar ng trabaho? Magsimula sa simpleng pagsasabi ng salamat at pagpapakita ng paggalang sa lahat ng empleyado. Hilingin sa mga manager na mag-isip ng mga ideya para sa mga pribilehiyo, insentibo, at regalo sa empleyado. Magsimula nang simple, kung gusto ninyo, sa pamamagitan ng paglilibre ng tanghalian sa koponan isang araw o pagpapauwi sa lahat nang kalahating oras na mas maaga sa isang hapon ng Biyernes. Habang mas nakikilala ninyo ang inyong mga empleyado, mas magkakaroon kayo ng ideya kung aling mga insentibo ang epektibo sa inyong kumpanya.

Sa CEO SUITE, buong-pusong pinagsisilbihan namin ang aming mga kliyente. Sa pag-aalok ng pinakamahuhusay na serviced office sa Asya, nag-aalok ang CEO SUITE sa mga kliyente ng kadalubhasaan ng isang koponan ng mga eksperto sa bawat larangan, mula sa human resources at pagrerehistro ng kumpanya, hanggang sa IT at accounting. Makipag-ugnayan sa CEO SUITE ngayon upang magtanong tungkol sa serviced office space, hot desking, o mga virtual office na available sa inyong nais na lokasyon.